Posted
June 23, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
www.google.com |
Kasado na umano ang ginagawang paghahanda ng Philippine
Coastguard (PCG) Boracay Sub-station Office sa kapistahan ni San Juan de
Bautista bukas araw ng Miyerkules.
Ayon kay PCG-Boracay Detachment PO1st Condrito Alvarez, magsasagawa
umano sila bukas ng monitoring sa buong isla ng Boracay sa pamamagitan ng
kanilng tinatawag na bay watch sa mga area kung saan maraming mga naliligo para
sa nasabing selebrasyon.
Maliban dito nakahanda na rin umano ang kanilang mga boat
patrol at floating assist na siya ring gagamitin para sa nasabing monitoring.
Kaugnay nito nakahanda na rin umano ang PCG Caticlan para
naman sa kanilang mobile monitoring sa lahat ng mga baybayin sa Tangalan
hanggang sa bayan ng Buruanga sakay ng kanilang motorbanca.
Samantala, paalala ni Alvarez sa mga maliligo ang ibayong
pag-iingat lalo na sa area ng front beach kung saan may kalakasan ang alon
dulot ng Habagat Season sa Boracay.
Ang pista ni San Juan de Bautista ay isang tradisyon ng
mga Pilipino sa pamamagitan ng pagligo sa mga ilog o dagat kung saan
pinaniniwalaang tanda rin ito ng pagkakabinyag bilang mga Kristiyano.
No comments:
Post a Comment