Posted June 25, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
www.flicker.com |
Aaksyunan na umano ngayon ng MAO o Municipal
Agriculture’s Office ang problema sa mga asong gala sa Boracay.
Subali’t bago nito, aminado ang MAO na nagkaproblema sila
sa pagtugon sa reklamo ng mga residente at turista tungkol sa mga nasabing aso.
Ayon kasi kay
Malay Municipal Agriculturist Denrick Sadiasa, sira umano ang sasakyang
ginagamit ng mga dog catcher kung kaya’t wala rin silang magagamit ngayon.
At bagama’t may budget na rin sila para dito, sinabi pa
ni Sadiasa na kailangan pa nilang i-comply o sundin ang mga requirements ng COA
o Commission on Audit.
Sinabi din nito na may budget na rin silang nakahanda
para naman sa dog pound ng mga mahuhuling aso.
Samantala, tiniyak din ng MAO na muling magiging normal
ang operasyo nila kaugnay sa mga asong gala sa lalong madaling panahon.
Nabatid na labis na ikinabahala ng mga lokal na residente
at turista sa isla ang mga asong gala lalo na ang mga gusgusin at
nanghahalungkat ng basura.
No comments:
Post a Comment