Posted June 25, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Hiling ngayon ni Malay SB Member Floribar Bautista ang
pagpapatayo ng maayos na tindahan sa Boracay matapos ang malagim na sunog
nitong Miyerkules sa Talipapa Bukid.
Sa ika-22nd SB Session ng Malay nitong Martes, sinabi
nito Bautista na sana makapag-pagawa ng magandang tindahan at environmental
friendly.
Kailangan din umano na ang area ay maging komportable at konbenyente
para sa mga mamimili sa isla ng Boracay.
Kaugnay nito napag-uusapan din sa SB Malay ang lugar na
paglilipatan ng mga vendors na nasunugan sa Talipapa Bukid.
Bagamat pansamantalang inilipat ang ilang vendors sa
Sitio Kipot sa Manoc-manoc nais parin ngayon ng SB Malay na makahanap ng ibang
area na maaaring paglagyan sa mga nasabing vendors.
Samantala, minabuti parin ng ilang vendors na magbinta sa
Talipapa Bukid sa kabila ng ibinigay sa kanilang relocation site sa Sitio Kipot
kung saan libre sila ritong magbinta sa loob ng tatlong buwan habang wala pang
nakikitang paglalagyan sa kanila.
No comments:
Post a Comment