Posted June 27, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Daan-daan umanong mga puno ang pinutol sa Puka Beach
Boracay sa Baranggay ng Yapak para sa construction ng Ocean Park hotel.
Ito mismo ang sinabi ng Seven Seas constructor na siyang may
hawak ng Ocean Park sa ginanap na Joint committee hearing ng Sangguniang Bayan
ng Malay sa Eurotel Boracay kahapon.
Anila, may permit sila mula sa Department of
Environmental and Natural Resources (DENR) na siyang nagpapahintulot na maaari
nilang putulin ang mga nasabing puno sa nasabing area para maipatayo ang Ocean
Park hotel bagamat matapos umano nito ay kailangan din nilang magtanim ng mga
puno.
Nabatid na pinatawag ng SB Malay ang nasabing contractor
at ang mga grupo na nagsagawa ng online petition dahil sa kaliwat-kanang isyu
sa mga social media na kinakasangkutan ng Ocean Park hotel.
Samantala, hindi naman dumalo ang ilang grupo na siyang
nangunguna na ipatigil ang pagpapatayo ng nasabing hotel matapos na silay
imbitahan dahil na rin sa umano’y paglilikha ng mga ito ng ibat-ibang
negatibong reaskyon laban sa Seven Seas.
No comments:
Post a Comment