Posted June 22, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Kinilala ang Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) sa
pangunguna nito sa listahan ng field of Police Community Relations (PCR) sa
buong probinsya ng Aklan.
Sa 19 na Police Unit sa probinsya ang Boracay PNP ang
nangunguna rito umpisa noong last quarter ng 2008 hanggang ngayon sa (PER)
Performance Evaluating Rating o (20 consecutive Quarterly Rating) na isinagawa
ng Aklan PPO PCR Branch .
Dahil dito nagpaabot naman ng kanyang pasasalamat si PO3
Christopher Mendoza ng BTAC-PCR o Police Community Relations sa lahat ng
kanilang katuwang sa government at non-government organization local at
national pati na rin sa mga NGos.
Aniya, ang kanyang pasasalamat sa mga ito ay dahil sa
patuloy na ibibigay na suporta sa kanilang ibat-ibang programa katulad ng
school/community based program/activities na ginagawa sa isla ng Boracay.
Samantala, ginawa ang pagkilala sa BTAC sa ginanap na 2nd
Quarter PCR Family Conference nitong Hunyo 2, 2015 sa Aklan PPO Multi Purpose Hall
bayan ng Kalibo.
No comments:
Post a Comment