Posted June 25, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Kadalasang dinadagsa ng publiko ang mga beach at ilog sa
Aklan kapag piyesta ni San Juan de Bautista.
Kasabay nito, mistula namang ordinaryo lamang ang eksena
sa Boracay dahil sa mga turistang naliligo sa beach araw-araw.
Subali’t nabatid na ilan pala sa mga beach front
establishments dito ang nag-half day lang sa kanilang operasyon upang bigyang
daan ang nasabing selebrasyon.
Ilan sa mga establisemyentong ito na pagmamay-ari ng mga
lokal na residente ang ginawang opurtunidad ang pagdiriwang upang magsalu-salo
ang pamilya.
Dahil dito, napapalingon ang mga turistang napapadaan
dahil sa mga staff din mismo ng mga establisemyentong kumakain, nag-iinuman at
nagbi-videoke pa.
No comments:
Post a Comment