Pages

Tuesday, June 23, 2015

Philippine Coastguard-Boracay nakahanda na sa kapistahan ni San Juan de Bautista bukas

Posted June 23, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for boats patrol philippine coastguard
www.google.com
Kasado na umano ang ginagawang paghahanda ng Philippine Coastguard (PCG) Boracay Sub-station Office sa kapistahan ni San Juan de Bautista bukas araw ng Miyerkules.

Ayon kay PCG-Boracay Detachment PO1st Condrito Alvarez, magsasagawa umano sila bukas ng monitoring sa buong isla ng Boracay sa pamamagitan ng kanilng tinatawag na bay watch sa mga area kung saan maraming mga naliligo para sa nasabing selebrasyon.

Maliban dito nakahanda na rin umano ang kanilang mga boat patrol at floating assist na siya ring gagamitin para sa nasabing monitoring.

Kaugnay nito nakahanda na rin umano ang PCG Caticlan para naman sa kanilang mobile monitoring sa lahat ng mga baybayin sa Tangalan hanggang sa bayan ng Buruanga sakay ng kanilang motorbanca.

Samantala, paalala ni Alvarez sa mga maliligo ang ibayong pag-iingat lalo na sa area ng front beach kung saan may kalakasan ang alon dulot ng Habagat Season sa Boracay.

Ang pista ni San Juan de Bautista ay isang tradisyon ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagligo sa mga ilog o dagat kung saan pinaniniwalaang tanda rin ito ng pagkakabinyag bilang mga Kristiyano.

No comments:

Post a Comment