Posted June 23, 2015
Ni
Bert Dalida YES FM Boracay
Photo by globososo.com |
Halos
araw-araw na lang ipinagdiriwang ang Kapistahan ni San Juan de Bautista sa Boracay
dahil sa dami ng mga naliligo sa dagat.
Subali’t
hindi ibig sabihin nito na magiging kampante ang mga taga Boracay PNP sa
selebrasyon.
Sa
halip, nabatid na magtalaga ng ‘Special Deployment’ ang Boracay PNP sa beach
font ng Boracay.
Ayon
kay Boracay Tourist Assistance Center Deputy Chief PSInsp. Fidel Gentallan, magdadagdag
sila ng mga kapulisan sa beach front lalo na sa Sitio Angol, Barangay
Manoc-manoc na magdirawang din ng kapistahan bukas upang mapanatili ang
kaayusan ng pagdiriwang.
Aminado
rin si Gentallan na marami ang mga lokal na residente sa isla ang maliligo at
mag-iiuman bukas na maaaring mauwi sa gulo o away.
Maliban
dito, kalingan din umano ang dagdag na pulis upang maiwasan ang pananamantala
ng mga salisi o kawatan.
Samantala,
maliban sa mga pulis-Boracay, sinabi pa ni Gentallan na magiging katuwang din
nila bukas sa pagbantay sa seguridad at kaayusan ng selebrasyon ang mga force
multipliers sa Boracay.
Ipinagdiriwang
ng mga debotong Katoliko ang Kapistahan ni San Juan tuwing ika-24 ng Hunyo sa
pamamagitan ng paliligo sa ilog o dagat na naging tradisyon naman ng mga
Filipino.
No comments:
Post a Comment