Posted June 25, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Isa-isa nang nagpa-blotter sa Boracay PNP ang mga
nasunugang negosyante sa Talipapa Bukid nitong nakarang Miyerkules.
Ayon sa BTAC o Boracay Tourist Assistance Center, nagsimulang
magpa-blotter sa kanilang presento nitong mga nakaraang araw ang mga negosyante
bilang requirements umano nila sa BIR O Bureau of Internal Revenue.
Nabatid na kanya-kanyang deklara ng damages o pinsala sa
kanilang ari-arian ang mga negosyante matapos ang nangyaring sunog na tumupok
sa kanilang mga pwesto at mga paninda.
Magugunitang nasa apat na hektarya ang lapad ng sunog na
kumain din sa mga boarding house doon at nag-iwan ng tinatayang 20 milyong
pisong danyos.
Samantala, maliban sa police report na habol ng mga
nasunugan, nabatid na kailangan din nilang kumuha ng certification mula sa barangay
para maisumite sa BIR.
No comments:
Post a Comment