Pages

Thursday, June 25, 2015

Municipal Agricultures Office, aaksyunan na ang problema sa mga asong gala sa Boracay

Posted June 25, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

www.flicker.com
Aaksyunan na umano ngayon ng MAO o Municipal Agriculture’s Office ang problema sa mga asong gala sa Boracay.

Subali’t bago nito, aminado ang MAO na nagkaproblema sila sa pagtugon sa reklamo ng mga residente at turista tungkol sa mga nasabing aso.

Ayon kasi kay Malay Municipal Agriculturist Denrick Sadiasa, sira umano ang sasakyang ginagamit ng mga dog catcher kung kaya’t wala rin silang magagamit ngayon.

At bagama’t may budget na rin sila para dito, sinabi pa ni Sadiasa na kailangan pa nilang i-comply o sundin ang mga requirements ng COA o Commission on Audit.

Sinabi din nito na may budget na rin silang nakahanda para naman sa dog pound ng mga mahuhuling aso.

Samantala, tiniyak din ng MAO na muling magiging normal ang operasyo nila kaugnay sa mga asong gala sa lalong madaling panahon.

Nabatid na labis na ikinabahala ng mga lokal na residente at turista sa isla ang mga asong gala lalo na ang mga gusgusin at nanghahalungkat ng basura.

No comments:

Post a Comment