Pages

Tuesday, June 23, 2015

Boracay PNP, magtatalaga ng ‘Special Deployment’ sa pagdiriwang ng Kapistahan ni San Juan de Bautista bukas

Posted June 23, 2015 
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

... de Huaral festeja la fiesta religiosa en honor a su patrono, San Juan
Photo by globososo.com
Halos araw-araw na lang ipinagdiriwang ang Kapistahan ni San Juan de Bautista sa Boracay dahil sa dami ng mga naliligo sa dagat.

Subali’t hindi ibig sabihin nito na magiging kampante ang mga taga Boracay PNP sa selebrasyon.

Sa halip, nabatid na magtalaga ng ‘Special Deployment’ ang Boracay PNP sa beach font ng Boracay.

Ayon kay Boracay Tourist Assistance Center Deputy Chief PSInsp. Fidel Gentallan, magdadagdag sila ng mga kapulisan sa beach front lalo na sa Sitio Angol, Barangay Manoc-manoc na magdirawang din ng kapistahan bukas upang mapanatili ang kaayusan ng pagdiriwang.

Aminado rin si Gentallan na marami ang mga lokal na residente sa isla ang maliligo at mag-iiuman bukas na maaaring mauwi sa gulo o away.

Maliban dito, kalingan din umano ang dagdag na pulis upang maiwasan ang pananamantala ng mga salisi o kawatan.

Samantala, maliban sa mga pulis-Boracay, sinabi pa ni Gentallan na magiging katuwang din nila bukas sa pagbantay sa seguridad at kaayusan ng selebrasyon ang mga force multipliers sa Boracay.

Ipinagdiriwang ng mga debotong Katoliko ang Kapistahan ni San Juan tuwing ika-24 ng Hunyo sa pamamagitan ng paliligo sa ilog o dagat na naging tradisyon naman ng mga Filipino.

No comments:

Post a Comment