YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, April 18, 2015

West Cove, dismayado sa pagkakansela ng FLAgT

Posted April 17, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Ikinadismaya ng pamunuan ng Boracay Island West Cove ang pagkakansela ng kanilang 25-year Forest Land Use Agreement for Tourism Purposes (FLAgT).

Ayon kay WESTCOVE General Manager Benhur Mobo III, nitong Setyembre ng nakaraang taon inilabas ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang kautusan na nagkakansela ng FLAgT ng West Cove.

Anya, dismayado sila sa desisyong ito ng nasabing ahensya dahil sa umano’y iba’t ibang environmental violations, gayong masikap naman umano sila sa pagbibigay ng mga kaukulang dokumento para sa pagpapatakbo ng nasabing negosyo.

Paniwala umano nila, pini-personal at sini-single out lamang sila ng pamahalaan.

Gayunman, naghain na rin umano ang may-ari ng Boracay West Cove na si Crisostomo Aquino ng motion for reconsideration sa Court of Appeals (CA).

Samantala, ang FLAgT ay nagbibigay ng awtoridad sa isang trabaho, pamamahala at pagpapaunlad ng lugar para sa turismo sa loob ng 25 taon at maaari ring e-renew sa parehong taon.

Kadalasan, nalalapat ito sa mga espesyal na gumagamit ng forestland tulad ng mga bathing, camp sites, ecotourism destinations, at iba pang mga layuning pan- turismo.

No comments:

Post a Comment