Posted April 16, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Magbubukas na rin ang Department of Trade and
Industry (DTI) ng mga Negosyo Center sa probinsya ng Aklan.
Ayon kay DTI Aklan Senior Trade-Industry
Development Specialist Ma. Stella Caldera, gaganapin ito sa ika-24 ng Abril,
kung saan magiging kauna-unahang negosyo center sa probinsya at pangalawa naman
sa Panay Island.
Anya, sari-saring serbisyo ang ibibigay ng center
na ito sa mga gustong magnegosyo maging sa mga dating nang negosyante na nais
pang palaguin ang kanilang business.
Halimbawa, sa mga start-up business, ituturo ng DTI
kung paano magrehistro ng business name.
Mayroon din umanong counseling at training sa mga
aspeto ng negosyo gaya ng accounting at pricing.
Samantala, sa mga manufacturer naman na may
sariling produkto, tutulong din umano sila para makakuha ng product
certification na kailangan para maibenta ang produkto.
Dagdag pa ni Caldera, target ng DTI na makapagbukas
ng mga Negosyo Centers sa iba’t ibang lungsod sa bansa.
No comments:
Post a Comment