Posted April 14, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Ito ang babala ngayon ng BTAC o Boracay Tourist
Assistance Center kasunod ng napaulat na namang panloloko sa mga turista ng mga
tinaguriang ‘pasaway’ sa Boracay.
Base kasi sa police report ng Boracay PNP, isang
turista ang hindi sinipot ng tour guide matapos nitong makuha ang deposit para
sa kanilang binayarang activities.
Bagama’t inayos na umano ng kapatid ng
inirereklamong tour ang gusot sa pagitan nila ng turista, sinabi naman ni BTAC
OIC P/SInp.Frensy Andrade hindi parin umano ito ‘ok’.
Kaugnay nito, nanindigan din si Andrade na hahanapin
at hahabulin parin nila ang mga nanloloko ng mga turista kahit magtago man ang
mga ito.
Samantala, nabatid naman na patuloy paring
nakikipaglaro ng “hide and seek” ang mga illegal na tour guide at komisyoner sa
mga kapulisan sa kabila ng kampanya ng LGU Malay na lilinisin na ang beach
front ng isla laban sa mga pasaway.
No comments:
Post a Comment