Posted April 18, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Huwag kalilimutang magdala ng payong at bote ng
tubig upang maiwasan ang heat stroke habang namamasyal.
Ito ang paalala ng Provincial Health Office (PHO)
Aklan sa publiko upang maiwasan ang heat stroke ngayong Summer Season.
Ayon kay Provincial Health Officer II, Dr. Victor
Santamaria, ng PHO Aklan.
Kailangan din itong gawin sa ganitong panahon ng
bakasyon, kung saan karaniwang nagtutungo sa mga beach ang mga tao para
magbilad sa init ng araw.
Ayon kay Santamaria, nangyayari ang heat stroke
kapag ang katawan ng tao ay nakabilad ng mahabang oras sa matinding init ng
araw.
Ang sintomas umano nito ay pagka-uhaw, pagkahilo,
pagsusuka, masakit na ulo at low blood pressure.
Ang heat stroke ay maaaring mauwi sa pagkahimatay o
seizure, na posibleng matuloy sa comatose kung hindi agad nalapatan ng lunas.
Kaugnay nito nagpapatuloy pa ang monitoring ng PHO
sa mga naitatalang kaso ng heat stroke sa probinsya.
No comments:
Post a Comment