YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, April 16, 2015

Loading at unloading area sa Boracay, mahigpit na binabantayan ng MAP

Posted April 16, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Image result for auxiliary police yes fm boracayAtensyon sa mga driver na sumusuway sa loading at unloading area sa Boracay!

Ayaw nyo bang maabala sa inyong pamamasada o biyahe?
Ayaw nyo bang matikitan at magbayad ng penalidad?

Kung ganon, mas makabubuting sumunod na lamang sa batas at huwag maging pasaway, lalo na ngayong mahigpit na binabantayan ng MAP ang mga loading at unloading area sa isla.

Kaugnay na rin ito sa unti-unting pagpapatupad ng One Way Lane sa isla partikular sa main road ng Central Boracay.

Aminado rin kasi ang MAP-Boracay na marami parin ang mga driver na hindi sumusunod sa ipinapatupad na batas sa kalsada, dahilan kung bakit lalong bumibigat ang daloy ng trapik.

Dahil dito, kapansin-pansin ang mga nakaposteng MAP sa main road ng Central Boracay, partikular sa Sitio Bolabog at Zone 5 road sa Barangay Balabag. 

Magugunitang sinabi ni Malay Senior Transportation Regulation Office Cezar Oczon na sinisimulan na rin nila ang pagpapatupad ng re-routing sa isla bilang paghahanda para sa APEC Ministerial meeting sa susunod na buwan.

Base sa re-routing scheme, nabatid na liliko papuntang Bloomfield area ang lahat ng mga private vehicle, malalaking sasakyan at resort service na mula sa station 1 o Barangay Yapak na pupunta ng Cagban, Manoc-manoc.

No comments:

Post a Comment