Posted April 17, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ikinadismaya ng pamunuan ng Boracay Island West
Cove ang pagkakansela ng kanilang 25-year Forest Land Use Agreement for Tourism
Purposes (FLAgT).
Ayon kay WESTCOVE General Manager Benhur Mobo III, nitong
Setyembre ng nakaraang taon inilabas ng Department of Environment and Natural
Resources (DENR) ang kautusan na nagkakansela ng FLAgT ng West Cove.
Anya, dismayado sila sa desisyong ito ng nasabing
ahensya dahil sa umano’y iba’t ibang environmental violations, gayong masikap
naman umano sila sa pagbibigay ng mga kaukulang dokumento para sa pagpapatakbo
ng nasabing negosyo.
Paniwala umano nila, pini-personal at sini-single
out lamang sila ng pamahalaan.
Gayunman, naghain na rin umano ang may-ari ng
Boracay West Cove na si Crisostomo Aquino ng motion for reconsideration sa
Court of Appeals (CA).
Samantala, ang FLAgT ay nagbibigay ng awtoridad sa
isang trabaho, pamamahala at pagpapaunlad ng lugar para sa turismo sa loob ng
25 taon at maaari ring e-renew sa parehong taon.
Kadalasan, nalalapat ito sa mga espesyal na
gumagamit ng forestland tulad ng mga bathing, camp sites, ecotourism
destinations, at iba pang mga layuning pan- turismo.
No comments:
Post a Comment