Posted April 17, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Sa pinakahuling imbestigasyon ng Boracay PNP, nakilala
ang bangkay na si Katrina Valera, 43 anyos ng Solano, Nueva Viscaya, at guest
ng Sheridan Villas sa Station 3 Barangay Manoc-manoc.
Kasalukuyan namang ino-autopsy ang kanyang bangkay upang
malaman ang sanhi ng kanyang pagkamatay.
Magugunitang nakataob habang nakalutang sa dagat
nang matagpuan ang katawan ni Katrina nitong nakaraang araw ng Miyerkules ng
umaga.
Naka-damit siya ng pang-swimming at short nang
makita may 15 metro ang layo mula sa dalampasigan.
pwede po ba humingi ng tulong sa inyo... hanapin ang may sala sa nangyare sa kapatid ko. kapatid po ako ni kathrina valera...
ReplyDelete