Posted April 13, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Pinaghahandaan na ngayon ng Lokal na Pamahalaan ng Malay
ang nalalapit na selebrasyon ng “12th Fiesta De Obreros” sa Mayo 1,
2015.
Katunayan ilang aktibidad na ang ikinakasa ng ibat-ibang
departamento ng LGU Malay lalo na ang Municipal Tourism Office (Mtour).
Nabatid na ngayong darating na Abril 25-26, 2015 ay
magkakaroon ng 4th Malay MTB Challenge at Fun ride for a cause na lalahukan
ng mga mahilig magbisiklita.
Kaugnay nito ang Department of Education (DepEd) Malay ay
naghahanda na rin sa kanilang ikalawang Drum and Lyre competition na gaganapin
naman sa Abril 30 kung saan maglalaban-laban rito ang mga paaralan sa Malay.
Bilang highlight naman sa nasabing okasyon muli na namang
maghaharap-harap ang 17 brgy. Sa Malay para sa inaabangan Fiesta De Obreros
Street and ground presentation contest kung saan isang malaking premyo ang naghihintay
para rito.
Samantala, ipinagdiriwang ang nasabing kapistahan kasabay
ng Araw ng Manggagawa o Labor Day bilang pagbibigay pugay sa kanilang patron na
si St. Joseph the Worker.
No comments:
Post a Comment