Posted April 13, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Kasunod ito ng paghingi ng endorsement ng Boracay
New Coast Hotel Group Inc. sa SB para operasyon ng Casino at Entertainment
Business sa isla.
Bagama’t hindi pa umano nila ito napag-uusapan,
ipinaalala naman ni BFI o Boracay Foundation Inc. President Jony Salme na
dalawang beses na nila itong tinutulan.
Maliban dito, titingnan din umano nila kung ano ang
magiging paliwanang ng Boracay New Coast sa sistema ng nasabing opersayon.
Samantala, sa ginanap na 13th Regular SB Session ng
Malay nitong Martes, nabatid na nilinaw umano ng Boracay New Coast kay SB
Member at Chairman ng Committee on Laws Rowen Aguirre na ang mga guest ng
nasabing hotel lamang ang makapagalalaro ng Casino.
Magugunita namang mahigpit na tinutulan ng Simbahang
Katolika at ilan pang simbahan sa isla ang pagpasok at pag-operate ng nasabing
sugal dahil isa itong family-oriented tourist destination.
No comments:
Post a Comment