Posted April 25, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Mag iisang-linggo ng ipinatutupad ng Malay Transportation
Office ang traffic re-routing sa isla ng Boracay bilang paghahanda sa APEC
Summit ngayong Mayo.
Ayon kay Malay Transportation Officer Cezar Oczon, ang programa
umanong ito ay para maibsan ang traffic congestion lalo na sa area ng D’Mall
kung saan dagsa ang maraming tao.
Samantala, tinukoy ni Oczon na ang lahat ng mga delivery
at service vehicle na mula sa Cagban Port na diritsong brgy. Yapak ay
kinakailangang dumaan sa AKY Tulubhan at ang mga sasakyan naman na mula Station
3 patungo rin ng station 1 ay lilikong Bloomfield at tatahakin ang lake town
palabas ng Lying Inn.
Nabatid na ang ipinapatupad ngayong one way lane o
re-routing sa Boracay ay kabilang sa paghahanda sa gaganapin APEC Ministerial
meeting sa Boracay sa Mayo.
No comments:
Post a Comment