Posted April 21, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Maliban dito, naging usap-usapan na rin ng mga
church workers ng Holy Rosary Parish Boracay ang nasabing plano.
Magkaganon paman, tahimik pa ang kanilang grupo sa
posibleng prayer rally kung saka-sakali.
Magugunita kasing ipinaglaban ng mga taga simbahan
at maging ng ilang religious group sa isla ang panawagang hindi kailangan ng
Boracay ang nasabing uri ng “entertainment”lalo pa’t isa itong family oriented
tourist destination.
Maliban sa mga religious group, magugunita ring
tinutulan din ito ng mga stakeholders sa kabila ng iginigiit na dagdag
‘revenue’o kita para sa lokal na pamahalaan ng Malay.
Samantala, nabatid na nasa third and final reading
na ngayon sa SB Malay ang hinihinging endorsement ng Boracay New Coast Hotel
Group Inc. para operasyon ng Casino at Entertainment Business sa isla.
No comments:
Post a Comment