Posted April 23, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Hinahanap pa umano ngayon ng mga Building Official ng LGU
Malay ang mga nawawalang dokumento ng kontrobersyal na The Lind Boracay.
Ayon kay Azur Gelito ng Boracay Redevelopment Task Force
(BRTF), hindi pa umano ito nabibigyan ng conclusion dahil magsasagawa pa umano
sila ng panibagong meeting tungkol sa problema ng The Lind.
Sa ngayon umano ay kailangan pa nila itong e-verify at e-double
check dahil may mga nawawala pa umanong mga dokumento rito kung saan sa nauna nilang meeting ay wala ang mga taong involve sa nasabing problema.
Samantala, sa panig naman ng Municipal Planning at Zoning
Office hindi umano makakapagbigay ng komento rito si Municipal Planning Officer
at Zoning Administrator Alma Belejerdo dahil sa na-inspeksyon na umano ito ng
kanilang building official kung saan isang conference ang naganap sa pagitan ng
mga kinatawan ng The Lind at ng BRTF.
Nabatid na lumabag sa Municipal Ordinance No. 328 ang
kagagawa pa lamang na pitong palapag na gusali ng nabanggit na hotel kung saan
pahihintulutan lamang ang anim na palapag o 6-storey building kung may land
area na 2,000 sq. meter ang isang resort.
No comments:
Post a Comment