Pages

Saturday, April 25, 2015

Traffic re-routing sa Boracay ikinasa para sa paghahanda sa APEC Summit sa Mayo

Posted April 25, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Mag iisang-linggo ng ipinatutupad ng Malay Transportation Office ang traffic re-routing sa isla ng Boracay bilang paghahanda sa APEC Summit ngayong Mayo.

Ayon kay Malay Transportation Officer Cezar Oczon, ang programa umanong ito ay para maibsan ang traffic congestion lalo na sa area ng D’Mall kung saan dagsa ang maraming tao.

Samantala, tinukoy ni Oczon na ang lahat ng mga delivery at service vehicle na mula sa Cagban Port na diritsong brgy. Yapak ay kinakailangang dumaan sa AKY Tulubhan at ang mga sasakyan naman na mula Station 3 patungo rin ng station 1 ay lilikong Bloomfield at tatahakin ang lake town palabas ng Lying Inn.

Nabatid na ang ipinapatupad ngayong one way lane o re-routing sa Boracay ay kabilang sa paghahanda sa gaganapin APEC Ministerial meeting sa Boracay sa Mayo.

No comments:

Post a Comment