Posted April 23, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Matapos ang mahaba-habang paghihintay nagharap na nitong
Martes ang pamunuan ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority
(TIEZA) at SB Malay.
Ito’y matapos silang ipatawag sa 15th Regular
SB Session ng Malay nitong Martes na dinaluhan naman ni Atty. Jose Bechayda,
Atty. Guiller Avido at Engineer Geovanie Rulla ng TIEZA.
Dito napag-usapan ang ilang problema sa drainage system
sa isla kasama na ang kanilang mga natapos na proyekto at ang pumutok na
coliform issue sa Boracay nitong nakaraang buwan.
Ayon naman kay Atty.Bechayda, gumagawa naman sila ngayon
ng hakbang para maisaayos ang mga problema sa drainage system sa isla
partikular sa tinukoy ni Liga President Abram Sualog na pagbabaha sa D’Talipapa
at Station 3 dulot ng bardong drainage.
Samantala, ngayon umano ay puspusan narin nilang
tinatrabaho ang phase 2 na kanilang proyekto sa Boracay katulad ng drainage
system at outfall sa Bolabog.
Nabatid na paulit-ulit na pinapatawag ang TIEZA sa
naturang SB Session ng Malay ngunit palaging bigo ang mga itong makadalo.
No comments:
Post a Comment