Posted April 22, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Muli na namang magsasagawa ngayong araw ng Blood Donation
ang Philippine Red Cross Boracay-Malay Chapter sa PRC Office sa Ambulong
Station 3.
Ito’y upang lalo pang matulungan ang mga mamamayang
nangangailangan ng kanilang serbisyo sa pamamagitan ng dugo.
Dahil dito muli ring hinikayat ng PRC ang mga residente
at manggagawa sa Boracay na mag-donate ng kanilang dugo.
Ayon kay Malay-Boracay Red Cross Administrator Marlo
Schoenenberger, layunin umano ng blood donation activity na ito ay para
makatulong sa mga pasyenteng nangangailangan ng dugo sa oras ng sakuna sa
kanilang buhay kung saan sa bawat isa umanong donor ay maaari itong makaligtas
ng tatlong buhay.
Samantala, mahigpit ang paalala ng Red Cross na hindi
pwedi mag donate ng dugo ang mga nakainom ng alak, kulang sa tulog, may
maintenance na gamot at may regla.
No comments:
Post a Comment