Posted April 20, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Buong ipinagmalaki ni Boracay Tourist Assistance Center
OIC PSInsp.Frensy Andrade na nakapagtala sila ng zero theft incident sa Boracay
nitong nakalipas na walong araw.
Ito’y dahil umano sa kanilang patuloy na ginagawang
pagsugpo sa mga pagala-galang mga menor de-edad sa front beach ng Boracay
tuwing gabi.
Ayon kay Andrade hinuhuli nila ang mga pagala-galang
menor de-edad sa beach area kung saan itinu-turn over naman umano nila ito sa
Municipal Social Welfare Development (MSWD) upang mabigyan ng aksyon at
maipatawag ang mga magulang.
Iginiit naman ni Andrade na karamihan sa mga
pagala-galang kabataan sa Boracay ang siyang dahilan ng ilang serye ng nakawan
kung saan personal pa nitong nasaksihan ang pagnanakaw ng ilang menor de-edad
na gumagapang sa buhagin papunta sa mga turista na kumakain sa beach area saka
pagnanakawan.
Samantala, masaya naman ito sa kanilang ginagawang
hakbang dahil sa nakakatulong umano ito sa pagbaba ng nakawasan na karamihan sa
mga nabibiktima ay ang mga turistang naliligo sa dagat na nag-iiwan ng mga
gamit sa puting buhangin.
Kaugnay nito patuloy parin ang ginagawang pagsugpo ng
Boracay PNP sa mga gumagawa ng hindi kanais-nais sa isla kung saan kasama na
rito ang pagwalis sa mga namamalimos sa front beach at ang mga illegal na
commissioner.
No comments:
Post a Comment