Posted April 24, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Kinumpirma mismo ni Aklan Congressman Teodorico Harisco
na dadaan sa bagong gawang Tangalan-Ibajay diversion road ang APEC delegates na
mula sa paliparan papuntang Boracay.
Ito ay para maiwasan umano ang traffic sa National road
kung saan makikita din umano ng mga delegado ang preskong tanawin sa diversion
road, katulad ng naggagandahang fine tress at dagat na madadaanan sa nasabing
kalsada.
Ayon pa kay Haresco inaasahan umano nilang kikita ng P1
billion ang probinsya mula sa pagkain, serbisyo, transportasyon at iba pang-gastusin
sa panahon ng nasabing event sa isla ng Boracay.
Tinukoy din nito na naglalatag na ang ibat-ibang ahensya
na nagpapatupad ng batas ng kahandaan para masiguro ang seguridad sa isa sa
pinakamalaking pagtitipon ng economic ministers sa Asia-Pacific.
Ang Boracay na kilala bilang isa sa pinakamagandang beach
destination sa buong mundo ang siyang napiling mag-host ng Second Senior
Officials and Ministers Responsible on Trade ngayong Mayo.
No comments:
Post a Comment