YES THE BEST 911 BORACAY

Wednesday, April 22, 2015

MHO, ipinaliwanag ang benipisyo ng pagpapatuli

Posted April 22, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Image result for department of healthWalang masama sa pagiging supot, pero mas maigi parin ang tuli kaysa sa hindi tuli.

Ito ang sinabi ni Malay Municipal Health Office (MHO) Health and Educational Promotion Officer Arbie Aspiras.

Anya, base sa pagsusuri, ang pagtutuli ay nakababawas ng tsansa na magka-kanser sa ari o mas hindi rin tinatamaan ng HIV-AIDS ang mga lalaking tuli.

Maliban dito, mas ligtas din ito sa sakit, sa impeksyon, at mas malinis sa katawan ang mga tuli.

Paliwanag ni Aspiras mayroon kasing tinatawag na “smegma”, isang malagkit at mabahong likido na kumakatas sa ari ng supot na lalake.

Nanggagaling ang smegma sa balat na nakapulupot sa foreskin.

Ang foreskin umano ang tinatanggal kapag tinutuli.

Samantala, ipinaabot naman nito na libre ang pagpapatuli sa MHO para sa mga batang may edad 10 hanggang 12 taon ngayong Summer.

Nabatid kasi na ito umano ang pinakamagandang panahon bago mag-binata.

Ang problema kasi umano sa pagtutuli ng sanggol ay baka masugatan ng doktor ang ari ng bata dahil napakaliit pa nito.

No comments:

Post a Comment