Pages

Saturday, April 18, 2015

PHO-Aklan, nagbabala laban sa heat stroke ngayong Summer Season

Posted April 18, 2015
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Huwag kalilimutang magdala ng payong at bote ng tubig upang maiwasan ang heat stroke habang namamasyal.

Ito ang paalala ng Provincial Health Office (PHO) Aklan sa publiko upang maiwasan ang heat stroke ngayong Summer Season.

Ayon kay Provincial Health Officer II, Dr. Victor Santamaria, ng PHO Aklan.

Kailangan din itong gawin sa ganitong panahon ng bakasyon, kung saan karaniwang nagtutungo sa mga beach ang mga tao para magbilad sa init ng araw.

Samantala, payo din ng DOH na gumamit ng sun block bilang proteksiyon sa ultraviolet rays ng araw.

Ayon kay Santamaria, nangyayari ang heat stroke kapag ang katawan ng tao ay nakabilad ng mahabang oras sa matinding init ng araw.

Ang sintomas umano nito ay pagka-uhaw, pagkahilo, pagsusuka, masakit na ulo at low blood pressure.

Ang heat stroke ay maaaring mauwi sa pagkahimatay o seizure, na posibleng matuloy sa comatose kung hindi agad nalapatan ng lunas.

Kaugnay nito nagpapatuloy pa ang monitoring ng PHO sa mga naitatalang kaso ng heat stroke sa probinsya.

No comments:

Post a Comment