Posted April 16, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay
Ayaw nyo bang maabala sa inyong pamamasada o
biyahe?
Ayaw nyo bang matikitan at magbayad ng penalidad?
Kung ganon, mas makabubuting sumunod na lamang sa
batas at huwag maging pasaway, lalo na ngayong mahigpit na binabantayan ng MAP
ang mga loading at unloading area sa isla.
Kaugnay na rin ito sa unti-unting pagpapatupad ng
One Way Lane sa isla partikular sa main road ng Central Boracay.
Aminado rin kasi ang MAP-Boracay na marami parin
ang mga driver na hindi sumusunod sa ipinapatupad na batas sa kalsada, dahilan
kung bakit lalong bumibigat ang daloy ng trapik.
Dahil dito, kapansin-pansin ang mga nakaposteng MAP
sa main road ng Central Boracay, partikular sa Sitio Bolabog at Zone 5 road sa
Barangay Balabag.
Magugunitang sinabi ni Malay Senior Transportation
Regulation Office Cezar Oczon na sinisimulan na rin nila ang pagpapatupad ng re-routing
sa isla bilang paghahanda para sa APEC Ministerial meeting sa susunod na buwan.
Base sa re-routing scheme, nabatid na liliko
papuntang Bloomfield area ang lahat ng mga private vehicle, malalaking sasakyan
at resort service na mula sa station 1 o Barangay Yapak na pupunta ng Cagban,
Manoc-manoc.
No comments:
Post a Comment