Pages

Thursday, April 23, 2015

Building official hinahanap pa ang mga nawawalang dokumento ng The Lind Boracay

Posted April 23, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for documentsHinahanap pa umano ngayon ng mga Building Official ng LGU Malay ang mga nawawalang dokumento ng kontrobersyal na The Lind Boracay.

Ayon kay Azur Gelito ng Boracay Redevelopment Task Force (BRTF), hindi pa umano ito nabibigyan ng conclusion dahil magsasagawa pa umano sila ng panibagong meeting tungkol sa problema ng The Lind.

Sa ngayon umano ay kailangan pa nila itong e-verify at e-double check dahil may mga nawawala pa umanong mga dokumento rito kung saan sa nauna nilang meeting ay wala ang mga taong involve sa nasabing problema.

Samantala, sa panig naman ng Municipal Planning at Zoning Office hindi umano makakapagbigay ng komento rito si Municipal Planning Officer at Zoning Administrator Alma Belejerdo dahil sa na-inspeksyon na umano ito ng kanilang building official kung saan isang conference ang naganap sa pagitan ng mga kinatawan ng The Lind at ng BRTF.

Nabatid na lumabag sa Municipal Ordinance No. 328 ang kagagawa pa lamang na pitong palapag na gusali ng nabanggit na hotel kung saan pahihintulutan lamang ang anim na palapag o 6-storey building kung may land area na 2,000 sq. meter ang isang resort.

No comments:

Post a Comment