YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, January 20, 2014

Kalibo Ati-Atihan Festival 2014, dinagsa ng mga deboto

Ni Mackie Pajarillo Yes FM Boracay

j
Dinagsa ng mga deboto ang Kalibo Ati-Atihan Festival 2014 kahapon.

Alas kuwatro pa lang ng madaling araw, kitang-kita na ang pagparoo't parito ng mga tao sa Kalibo Cathedral upang magdasal.

Paghudyat ng alas siyete ng umaga nagsimula ang pilgrim mass na pinangunahan ni mismong Kalibo Bishop Jose Corazon Tala-oc.

Pagkatapos ng misa, nagsimula na rin ang tradisyunal na palapak o ang pagpatong ng imahen ng Santo Niño sa ulo ng mga deboto.

Hindi rin nagtagal at nagsimula ang street dancing bilang hudyat ng parada ng iba't- ibang tribu mula sa mga bayan ng probinsya ng Aklan.

Kitang kita rin ang presensya ng mga taga Kalibo Police Station para sa seguridad ng publiko.
Ayon naman sa ilang mga deboto, bahagyang bumaba ang bilang ng mga nakisaya sa Ati-Atihan ngayong taon.

Maaari umano kasi na ito’y dahil parin sa epekto ng nagdaang bagyong Yolanda.
Pero hindi nagpapigil ang ilang mga deboto na mayroong matinding pananalig kay Senior Sto. Nino at pumunta parin sa Kalibo Ati-atihan.

Samantala bahagyang tumahimik ang bayan ng Kalibo mula sa dagundong ng mga tambol pagsapit ng tanghali.

Ngunit mag-aalas dos ng hapon nang nagsimulang muli ang ingay ng paligid dahil sa prusisyon
kung saan ipinarada ng mga deboto ang kanilang dalang imahe ng Sto. Nino.

Pinangunahan pa rin ng mga taga Arch Diocese of Kalibo at ni Bishop Talaoc ang nasabing prosisyon.

No comments:

Post a Comment