Ni Mackie Pajarillo Yes FM Boracay
Dinagsa ng mga deboto ang Kalibo Ati-Atihan
Festival 2014 kahapon.
Alas kuwatro pa lang ng madaling araw,
kitang-kita na ang pagparoo't parito ng mga tao sa Kalibo Cathedral upang
magdasal.
Paghudyat ng alas siyete ng umaga nagsimula
ang pilgrim mass na pinangunahan ni mismong Kalibo Bishop Jose Corazon Tala-oc.
Pagkatapos ng misa, nagsimula na rin ang tradisyunal
na palapak o ang pagpatong ng imahen ng Santo NiƱo sa ulo ng mga deboto.
Hindi rin nagtagal at nagsimula ang street
dancing bilang hudyat ng parada ng iba't- ibang tribu mula sa mga bayan ng
probinsya ng Aklan.
Kitang kita rin ang presensya ng mga taga
Kalibo Police Station para sa seguridad ng publiko.
Ayon naman sa ilang mga deboto, bahagyang bumaba
ang bilang ng mga nakisaya sa Ati-Atihan ngayong taon.
Maaari umano kasi na ito’y dahil parin sa
epekto ng nagdaang bagyong Yolanda.
Pero hindi nagpapigil ang ilang mga deboto
na mayroong matinding pananalig kay Senior Sto. Nino at pumunta parin sa Kalibo
Ati-atihan.
Samantala bahagyang tumahimik ang bayan ng
Kalibo mula sa dagundong ng mga tambol pagsapit ng tanghali.
Ngunit mag-aalas dos ng hapon nang nagsimulang
muli ang ingay ng paligid dahil sa prusisyon
kung saan ipinarada ng mga deboto ang kanilang
dalang imahe ng Sto. Nino.
Pinangunahan pa rin ng mga taga Arch Diocese
of Kalibo at ni Bishop Talaoc ang nasabing prosisyon.
No comments:
Post a Comment