YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, January 20, 2014

Mga asong gala sa Boracay, pinatutukan ng DOT sa mga dog catcher

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

www.google.com
Pinatutukan ng Department of Tourism o DOT Boracay sa mga dog catcher ang mga asong gala na kalimitang nakikita sa front beach.

Ayon kay DOT Boracay Officer In-charge Tim Ticar, karamihan sa mga ito ay kung saan-saan pa nagmumula na nakakasagabal sa mga turistang namamasyal lalo na gabi.

Ilan pa dito ay dumudumi at umiihe sa puting buhangin at kinakalkal ang mga basura dahilan para muli itong kumalat at mangamoy.

Nabatid na higit na ipinagbabawal ng DOT at LGU Malay ang pagdadala ng mga aso sa may front beach lalo na at wala itong kasamang taong nagbabantay.

Patuloy din ang reklamo ng ilang mga resort at establishment owners sa front beach dahil sa kabila ng kanilang pagpapaganda sa harapan ng kanilang mga establisyemento ay may mga ligaw na aso ang nakakasagabal dito at sinisira ang mga bagay na naka-display.

Samantala tiwala naman si Ticar at ang Department of Tourism na agad na mareresolba ang problema kung ang bawat isa ay nagtutulungan para sa ikakabuti ng isla ng Boracay.

No comments:

Post a Comment