Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Tuloy-tuloy parin ang isinasagawang inspeksyon ng
Bureu of Fire (BFP) sa mga fire exits ng mga establisyemento sa Boracay.
Ito ang sinabi ni Fire Officer 1 John Henry Ildesa
ng BFP Boracay kaugnay sa pagproseso ng renewal ng mga business permits.
Kasama rin kasi sa mga requirements na ito ang
pagproseso o pagkuha ng assessment report mula sa BFP.
Nabatid na ang pag-inspeksyon ng fire exits ay
bahagi ng kanilang direktiba na suyurin at siguraduhing nakakasunod sa
ipinapatupad na building code para sa safety and precautionary measures ang
bawat establisyemento.
Kaugnay nito, pinapayuhan naman ng mga taga Bureau
of Fire ang mga magrerenew ng kanilang mga business permit sa Boracay na kumuha
ng assessment report mula sa Balabag Action Center.
No comments:
Post a Comment