Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ayon kay Malay COMELEC Officer II, Elma Cahilig, ito
ang mga voter’s ID na hindi pa nakuha mula taong 2011 kung saan may mga
registered voter’s naman na mula 2007 hanggang 2009.
Aniya, magpapaskil ang COMELEC ng listahan ng
voter’s ID na hanggang sa ngayon ay hindi parin nakukuha ng mga may-ari nito sa
mga pampublikong lugar.
Kabilang sa mga lugar na pagpapaskilan ng listahan
ay sa labas ng mga tanggapan ng COMELEC at Barangay Hall.
Sinabi din nito na handa ng ipadala ang mga
nasabing listahan para e-paskil sa mga barangay hall at iba pang pampublikong
lugar.
Dagdag pa nito na bago dumating ang memo ay
naisaayos na nila ang listahan ng mga kukuha kaya’t makakapag-paskil na umano
ang mga ito agad.
Ipinaalala din nito na ang mga nasabing ID ay ang
mga luma na at hindi pa ang mga bagong voters ID na para sa mga bagong
nag-rehistro.
Sa kabilang banda, ipinaabot din ni Cahilig sa
publiko na maaaring tingnan ang mga listahan na ipapaskil sa barangay hall at
kung nandoon ang pangalan ay maiging magpunta sa tanggapan ng COMELEC Malay
para kunin ang ID.
Para naman sa mga hindi personal na makakakuha ng
ID, magpadala lamang ng otorisadong kakilala o kamag-anak at magdala ng isang
valid ID sa COMELEC.
Samantala, nabatid naman na ipinaliwanag ni COMELEC
Spokesperson James Jimenez, na malaking tulong ang voter’s ID sa mga botante
dahil kinikilala ang mga ito ng lahat ng government offices at maging ng mga
bangko sa lahat ng legal transactions.
No comments:
Post a Comment