Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Mananatili sa target na 1.5 tourist arrival ang Department of Tourism o
DOT Boracay ngayong taong 2014.
Ayon kay DOT Boracay Officer In-charge Tim Ticar.
Nakapag-usap na sila ni DOT Regional Director Helen Catalbas na mananatili
nalang sila sa 1.5 million tourist dahil may kataasan narin umano ito.
Aniya, noong taong 2012 ay nagkaroon sila ng target na 1.2 tourist
arrival at naabot umano nila ito, bagamat nitong taong 2013 ay kinulang sila ng
mahigit sa dalawang daang libong tourist arrival sa target nilang 1.5.
Tiwala nanan si Ticar na ngayong taon ay maaabot nila ang nasabing
target, lalo na ngayong unang quarter palang ng taon ay nakapagtala na sila ng
mahigit sa 63, 000 tourist arrival.
Malaki umano ang tulong ng mga dumadayong cruise ship sa isla para
magdala ng maraming turista mula sa ibat-ibang bansa.
Nakatulong din aniya ang kanilang ginagawang marketing and promotion
para lalo pang tangkilin ang isla ng Boracay maging ang iba pang magagandang
lugar sa Western Visayas.
Samantala, patuloy na rin ang pagdagsa ng maraming turista sa isla ng
Boracay, sa kabila ng nararanasang sama ng panahon sa bansa.
No comments:
Post a Comment