Ni Gloria Villas, YES FM Boracay
Ito’y may kaugnay sa halos sunod-sunod na nangyaring
sunog dito sa isla nitong mga nakaraang araw.
Ayon kay Fire Officer 1 John Henry Ildesa ng Bureau
of Fire Boracay.
Kailangan talagang tanggalin at huwag iwanang
nakasaksak ang mga electrical appliances upang maiwasan ang sunog.
Kaugnay nito, sinabi pa ng Bureau of Fire na tuloy
ang kanilang kampanya kontra sa sunog, sa pamamagitan ng pag-inspeksyon ng mga
fire exits ng mga establisemyento sa Boracay.
Ito’y bilang bahagi ng kanilang direktiba na
suyurin at siguraduhing nasusunod ng bawat establisyemento ang ipinapatupad na
building code.
Ibig sabihin, obligado ang mga establisemyentong magkaroon
ng fire exit, at fire extinguisher.
Matatandaan na nitong gabi ay isang resort naman
ang nasunog sa Barangay Balabag, maliban pa sa sunog sa station 3 Boracay nitong
nagdaang linggo.
No comments:
Post a Comment