Pages

Monday, January 20, 2014

DOT, mananatili sa target na 1.5 Tourist Arrival sa Boracay ngayong 2014

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Mananatili sa target na 1.5 tourist arrival ang Department of Tourism o DOT Boracay ngayong taong 2014.

Ayon kay DOT Boracay Officer In-charge Tim Ticar.

Nakapag-usap na sila ni DOT Regional Director Helen Catalbas na mananatili nalang sila sa 1.5 million tourist dahil may kataasan narin umano ito.

Aniya, noong taong 2012 ay nagkaroon sila ng target na 1.2 tourist arrival at naabot umano nila ito, bagamat nitong taong 2013 ay kinulang sila ng mahigit sa dalawang daang libong tourist arrival sa target nilang 1.5.

Tiwala nanan si Ticar na ngayong taon ay maaabot nila ang nasabing target, lalo na ngayong unang quarter palang ng taon ay nakapagtala na sila ng mahigit sa 63, 000 tourist arrival.

Malaki umano ang tulong ng mga dumadayong cruise ship sa isla para magdala ng maraming turista mula sa ibat-ibang bansa.

Nakatulong din aniya ang kanilang ginagawang marketing and promotion para lalo pang tangkilin ang isla ng Boracay maging ang iba pang magagandang lugar sa Western Visayas.

Samantala, patuloy na rin ang pagdagsa ng maraming turista sa isla ng Boracay, sa kabila ng nararanasang sama ng panahon sa bansa.

No comments:

Post a Comment