Pages

Wednesday, January 22, 2014

Bureau of Fire, muling pinag-iingat ang publiko sa sunog

Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

s464.photobucket.comMuli ngayong pinag-iingat ng Bureau of Fire (BFP) sa sunog ang publiko sa Boracay.

Ito’y may kaugnay sa halos sunod-sunod na nangyaring sunog dito sa isla nitong mga nakaraang araw.

Ayon kay Fire Officer 1 John Henry Ildesa ng Bureau of Fire Boracay.

Kailangan talagang tanggalin at huwag iwanang nakasaksak ang mga electrical appliances upang maiwasan ang sunog.

Kaugnay nito, sinabi pa ng Bureau of Fire na tuloy ang kanilang kampanya kontra sa sunog, sa pamamagitan ng pag-inspeksyon ng mga fire exits ng mga establisemyento sa Boracay.

Ito’y bilang bahagi ng kanilang direktiba na suyurin at siguraduhing nasusunod ng bawat establisyemento ang ipinapatupad na building code.

Ibig sabihin, obligado ang mga establisemyentong magkaroon ng fire exit, at fire extinguisher.

Matatandaan na nitong gabi ay isang resort naman ang nasunog sa Barangay Balabag, maliban pa sa sunog sa station 3 Boracay nitong nagdaang linggo.

No comments:

Post a Comment