Ni Edzel Mainit, Field Reporter, YES FM
Boracay
Magsisilbing napakalaking hamon sa lokal na pamahalaan ng
Malay at probinsiya ,na muling kinilala ang Boracay ngayong taon bilang “2012 World's Best Island” sa "Travel + Leisure"
magazine.
Kung noong nagdaang taon ay ika-apat ang Boracay sa
listahan, ngayon naman ay ito na ang nakakuha ng titulo at nangu-nguna sa
kategoryang ito na prinoklama sa nasabing babasahin kahapon.
Ang Boracay na dating nasa ika-apat na pwesto
lamang ay nakakuha ng 93.10 points upang maabot ng isla na ipinagmamalaki ng
buong bansang Pilipinas ang pinakamataas na pwesto, batay sa survey na
isinagawa ng nasabing babasahin.
Ang dating # 1 na Santorini, Greece ay nasa ika-anim na pwesto nalang, habang
napanatili naman sa ikalawang pwesto ang Bali sa Indonesia na may 90.41 puntos.
Ika-tatlo sa ngayon ang Galápagos, ika-apat ang Maui, ika-lima ang Great Barrier Reef Islands
sa Australia, ika-anim na ang Santorini, Greece, ika-pito ang Kauai, ika-walo
ang Big Island ng Hawaii, ika-siyam ang
Sicily sa Italy at ika-sampu pero bago sa listahan ang Vancouver Island sa British Columbia .
Samantala, maliban sa pagkaka-pangalan sa Boracay
bilang “2012 World's Best Island” ang Discovery Shores din dito sa Boracay ang
kinilala bilang “2012 Best Hotel Spa in Asia” ng "Travel + Leisure"
magazine.
Nabatid na hindi lamang dahil sa kagandahan ng isla
na bumighani sa mga dayuhan ang pinagbatayan kundi maging sa serbisyo at ganda ng
mga hotel/resort na naging poborito ng
mga bumabasa sa magazine na ito ang dahilan sa pagkakapili sa Boracay.
Inaasahan naman sa Hulyo 19 ng taong ito gaganapin
ang seremonya ng pagtatanghal.
No comments:
Post a Comment