Pages

Monday, July 09, 2012

Boracay, nakuha ang titulong “2012 World's Best Island”


Ni Edzel Mainit, Field Reporter, YES FM Boracay

Magsisilbing napakalaking hamon sa lokal na pamahalaan ng Malay at probinsiya ,na muling kinilala ang Boracay ngayong taon bilang “2012 World's Best Island” sa "Travel + Leisure" magazine.

Kung noong nagdaang taon ay ika-apat ang Boracay sa listahan, ngayon naman ay ito na ang nakakuha ng titulo at nangu-nguna sa kategoryang ito na prinoklama sa nasabing babasahin kahapon.

Ang Boracay na dating nasa ika-apat na pwesto lamang ay nakakuha ng 93.10 points upang maabot ng isla na ipinagmamalaki ng buong bansang Pilipinas ang pinakamataas na pwesto, batay sa survey na isinagawa ng nasabing babasahin.

Ang dating # 1 na Santorini, Greece  ay nasa ika-anim na pwesto nalang, habang napanatili naman sa ikalawang pwesto ang Bali sa Indonesia na may 90.41 puntos.

Ika-tatlo sa ngayon ang  Galápagos, ika-apat ang  Maui, ika-lima ang Great Barrier Reef Islands sa Australia, ika-anim na ang Santorini, Greece, ika-pito ang Kauai, ika-walo ang Big Island ng Hawaii, ika-siyam ang  Sicily sa Italy at ika-sampu pero bago sa listahan ang  Vancouver Island sa British Columbia .

Samantala, maliban sa pagkaka-pangalan sa Boracay bilang “2012 World's Best Island” ang Discovery Shores din dito sa Boracay ang kinilala bilang “2012 Best Hotel Spa in Asia” ng "Travel + Leisure" magazine.

Nabatid na hindi lamang dahil sa kagandahan ng isla na bumighani sa mga dayuhan ang pinagbatayan kundi maging sa serbisyo at ganda ng mga hotel/resort na  naging poborito ng mga bumabasa sa magazine na ito ang dahilan sa pagkakapili sa Boracay.

Inaasahan naman sa Hulyo 19 ng taong ito gaganapin ang seremonya ng pagtatanghal.

No comments:

Post a Comment