Ni Malbert Dalida, News Director, YES FM Boracay
Humakot ng mga blood
donors ang Red Cross Boracay-Malay chapter nitong umaga.
Ayon kay Red Cross Boracay-Malay chapter Marlo
Schoenenburger, umabot na sa mahigit tatlumpo’t isa ang naitala nilang
successful blood donor, na isinagawa sa mismong health center ng Poblacion,
Malay.
Ang naturang blood letting activity ayon pa kay
Schoenenburger, ay may kaugnayan sa mandato ng lokal na pamahalaan ng Malay na
maabot ang target na isangdaang blood donor upang matulungan ang
pangangailangan sa dugo dito sa probinsya ng Aklan.
Ilan sa mga nagpakuha ng dugo ay ang mga pre-screened donors
mula sa LGU, Malay PNP, at Coastguard.
Kaugnay pa rin sa naturang aktibidad, ang mga nasabing donor
umano ay ilang araw na kinampanya at pinaalalahanang huwag uminom ng alak,
huwag magpuyat at dapat walang tattoo sa katawan, upang matiyak na ligtas at
malinis ang naibibigay nilang dugo.
Nakatakdang ipadala at ipasuri muna sa bayan ng Kalibo at
Capiz ang mga nakuhang dugo.
Samantala, patuloy naman ang panawagan ng red cross kasama
ang Yes FM 911 at Easy Rock Boracay para sa mga interesado pang magbigay ng
dugo.
No comments:
Post a Comment