Ni Edzel Mainit, Filed Reporter, YES FM Boracay
Nasa prayoridad ng lokal na pamahalaan ng Malay ngayon ang
pagbili ng Ovicidal/Larvicidal (OL) Trap.
Ito’y makaraang ilatag ng Malay Rural Health Center office
sa Sangguniang Bayan ang dinaranas na sitwasyon ng bayang ito lalo na ang
nangyari sa barangay Caticlan, kung saan tatlo na ang namatay dahil sa sakit na
Dengue.
Bunsod nito sa rekomendasyong ginawa ng konseho.
Hiniling ng mga miyembro na madaliin na ang pagbili sa OL
Trap upang maiwasan ang pagdami ng lamok na siyang nagdadala ng sakit na ito sa
mga mamamayan sa Malay kasama na ang tatlong barangay sa Boracay.
Layunin nito ay upang maipamudmod sa mga kabahayan ng sa
ganon, maliban sa paghikayat nila sa paglilinis sa bahay at kapaligiran,
maidagdag nila sa programa upang makontrol na rin ang pagdami ng lamok sa
paraan ng OL Trap.
Samantala, kasunod ng naitalang tatlong biktima ng Dengue,
ang lokal na pamahalaan ng Malay ay nagsagawa na rin ng inspeksiyon sa lugar na
natukoy na may namatay dahil sa sakit na ito.
No comments:
Post a Comment