Ni Malbert Dalida, News Director, YES FM Boracay
Hate mo ba ang air pollution na nagmumula sa mga sasakyan?
Nagsasawa ka na ba sa tila walang katapusang pagtaas ng
presyo ng langis o krudo?
Kung ganon, maaari mong hikayatin ang iyong sarili na
gumamit ng renewable energy.
Ito din ang mangyayaring panghihikayat ng Department of
Tourism (DOT) at Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA)
kaugnay sa inilunsad nilang proyekto na Zero Carbon Resort.
Kasama ang Switch-Asia Europe Aide Program, layunin umano ng
naturang proyekto na tulungang mahikayat ang mga lokal na tourism
establishments katulad dito sa Boracay na gumamit ng alternatibong enerhiya at
hindi yaong gasolina o krudo.
Maliban umano kasi sa makakatipid ang mga resorts ay
malalabanan pa ang nakakaalarmang problema sa polusyon.
Nabatid na ang nasabing hakbang ay ipinapatupad na rin sa
Palawan.
Ang Zero Carbon Resorts project na ito ay patatakbuhin ng
DOT at TIEZA sa loob ng apat na taon.
No comments:
Post a Comment