Ni Malbert Dalida, News Director, YES FM Boracay
Atensyon sa lahat ng mga nag-aabang sa estado ng proyektong
reklamasyon sa Caticlan.
Lubusan nang hinarang ng Korte Suprema ang 260 milyong
pisong proyektong ito, matapos nitong igiit sa pamahalaang probinsya ng Aklan
at mga kontraktor nito ang agarang pagpapatupad sa cease and desist order laban
sa phase 1 ng nasabing proyekto.
At upang matiyak na masusunod ang ibinabang kautusan, binago
din ng Korte Suprema ang writ of continuing mandamus ang dati rin nitong
ibinabang TEPO o Temporary Protection Order.
Minarapat din nitong atasan ang Department of Natural
Resources-Environment Management Bureau Regional Office 6, kasama ang Aklan
provincial government na rebisahin ang proyekto.
Nararapat umano kasing magsagawa ng public bidding at
konsultasyon sa mga stakeholders, non-government organizations at mga tatamaan
o maaapektuhan ng nasabing proyekto.
Ang reclamation project na ito ng pamahalaang probinsya ng
Aklan ay naglalayong palawakin ang jetty port at terminal sa Caticlan, kasama
na ang pagpapatayo ng mga establisemyento at iba pang serbisyo doon na umano’y
pakikinabangan din ng Boracay.
No comments:
Post a Comment