Ni Edzel Mainit, Filed Reporter, YES FM Boracay
Ngayong world class tourist destination na nga ang Boracay
at kapag patuloy ang mga kumukontra sa mga pagbabagong at pagpapa-unlad na nais
isulong ng lokal na pamahalaan ng Malay para sa isla, wala umanong mangyayari
sa Boracay ayon kay Sangguniang Bayan Member Rowen Aguirre.
Lalo pa aniya ngayong dapat ng isulong ang mga programa at
proyektong upang makasabay sa world class tourist destination sa ano mang
aspeto ang islang ito.
Kaya nais mangyari ngayon ni Aguirre na maging “drastic” o
gawing mahigpit at madalian ang implementasyon sa mga gagawing pagbabago.
Lalo pa ngayon at mayroon namang alituntuning sinusunod para
sa bagay na pinapangarap na mangyari sa isla.
Ang pahayag na ito ng konsehal ay sinabi nito sa
deliberasyon ng sisyon kahapon kung saan pinag-uusapan ang tungkol sa di umano
ay pagpahayag ng Boracay Land Transportation Multi-Purpose Cooperative (BLTMPC)
na mayroon na silang nakitang sariling supplier ng e-trike.
Tugon din ito ng konsehal sa pahayag ni Vice Mayor at
Presiding Officer Ceceron Cawaling na tingnan muna ang reaksiyon ng mga
operator at driver sa Boracay na siyang apektado ng pagbabago na ito kapag
palitan na ang tradisyunal na tricycle dito ng e-trike.
Una rito nagpahayag si Malay Administrator Godofredo Sadiasa
na sa katulad na pangyayari, nasa lokal na pamahalaan o SB ang bola at depende
sa mga ito kung papano nila isulong para maipatupad ang pagbabagong nais para
sa Boracay.
No comments:
Post a Comment