“Ignorance of the law excuses no one”, kaya dapat i-comply
ang batas”.
Ganito isinalarawan ni Malay Administrator Godofredo Sadiasa
ang implemantasyon ng oridinansang ipinapatupad sa Boracay na kung saan dapat
umanong sundin ninuman, lokal na mamamayan man ito o dayuhan.
Gayon pa man, ayon kay Sadiasa, kung may sasakyan mang nakapasok
na walang dokumento sa Boracay.
Malamang ang nangyari umano dito ay kahit pa may instruction
na ang lokal na pamahalaan ng Malay sa mga maliliit na bangka na busisiin ang
dokumento ng mga motorsiklo isinasakay.
Subalit dahil sa halagang ibinabayad upang maitawid ang
nasabing sasakyan, tila hindi na umano alintana.
Ang pahayag na ito ng Administrador ay tugon kaugnay sa
reklamo ng isang dayuhang negosyante na hinuli ang motor sa Boracay kung saan nagtatanong
ito kung bakit wala man lang umano sumita at magpaliwanag sa kanila sa pagpasok
pa lang ng motorsiklo sa Boracay at may
umiiral na batas na ganon at nang nandito na ay saka palang hinuli.
Kung maaalala, nagpatupad ng moratorium ang lokal na
pamahalaan para ipatigil na ang pagpasok ng lahat ng uri ng sasakyan na
sinimulan nitong nakarang a-uno ng Hunyo
ng ibaba ang kautusang ipinatigil na rin ang pag-isyu ng permit to
transport.
No comments:
Post a Comment