Ni Edzel Mainit, Field Reporter, YES FM Boracay
Mistulang naging basurahan na ang Boracay dahil sa dami at
nagsilakihang mga streamer na nakalat sa kalsada.
Bagamat ayon kay Loubell Cann Board of Trustee ng Boracay
Foundation Incorporated (BFI) na ang nakalagay sa mga streamer na ito ay mga
paalala ng lokal na pamahalaan ng Malay, lalo na ang mga babala na huwag mag-kalat
ng basura, subalit napakapangit aniya ang dating ng streamer na ito.
Ito ay dahil naging sagabal na ito sa daan at tila hindi na
akma ang laki at bilang sa dami na nakaharang sa nilalakaran ng mga tao, kaya
tuloy nagmukhang basura na rin ang Boracay ayon dito.
Ipinunto pa nito, na sa kanilang pagkaka-alam ang
pinagkakabitang lamppost o poste ng ilaw ng mga streamers na ito ay proyekto ng
dating Philippine Tourism Authority (PTA) na ibinigay sa lokal na pamahalaan ng
Malay para sa streetlights at hindi yaong para sa ganitong mga steamer na
nagsisilbing basura sa mata ng publiko.
Samantala, agad naman sinagot ni Sangguniang Bayan Member
Rowen Agguire ang ipinaabot na punto ni Cann.
Anya, nakita umano nila na tila hindi na namomonitor ng
tanggapan ng Alkalde ang mga bagay na ito.
Pero nangako naman ang konsehal na muling ipapaalala sa
Alkalde ang bagay na ito para maaksiyonan at masunod ang tamang sukat para sa
mga streamer na naaayon sa ordinansa sa Boracay.
Ang pahayag na ito ng nabangit na mga personalidad ay
isinagtinig sa isang pulong na ikinasa ng BFI.
No comments:
Post a Comment